Skip to main content
Gabay para sa mga Pasyente

  • Magpresenta ng dalawang (2) valid ID.
  • Mga bantay o watcher
    • Edad 18 pataas
    • Isa (1) lamang ang maaaring magbantay sa bawat pasyente  

Mga patakaran sa pagbisita  

  • Isa (1) lamang ang maaaring bumisita sa bawat pagkakataon.
  • Ang mga batang edad pito (7) pababa ay hindi pinahihintulutang bumisita.
  • Oras ng pagbisita: 9:00 AM-11:00 AM / 4:00 PM-6:00 PM

MICU: 4:00 PM-6:00 PM lamang

  • Para sa may mga health card (HMO) at DLSUMC CAAP members:  
    • Kailangang maibigay ang Letter of Authorization (LOA) sa loob ng 24 oras ng pagkaka-admit. Makipag-ugnayan sa inyong HMO provider para sa mga detalye ng hospitalization coverage.  

Paalala:  Para sa mga elective cases/naka-schedule na operasyon, kailangang maibigay ang LOA bago magpa-admit.  

  • Para sa mga HMO concerns, magpunta sa Corporate Clinical Services (3/F, Medical Arts Center o MAC), Lunes-Sabado, 7:00 AM-5:00 PM.  
  • Para sa mga PhilHealth members/dependents:  

Magpunta sa Claims Section (Ground Floor, MAC) para sa PhilHealth status at sa listahan ng requirements para sa PhilHealth coverage.  

  • Mga gamot para sa mga naka-admit na pasyente at ang Hospital formulary  

Tanging mga gamot sa PNF/PNDF (Philippine National Drug Formulary) lamang ang sakop ng PhilHealth/HMO base sa Philhealth Circular No. 2006-0386 at DOH Administrative Order No. 2016-0034. Kung sakaling irerekomenda ng iyong doktor ang paggamit ng gamot na hindi kabilang sa PNF/PNDF, maaaring ito ay ipabili sa botika ng DLSUMC.  

  • Para sa billing updates

Makipag-ugnayan sa Billing Section sa pamamagitan ng Viber (0906 349 0282), 8:00 AM-5:00 PM.    

ANG MGA SUMUSUNOD AY IPINAGBABAWAL SA LOOB NG OSPITAL:  

  • Paninigarilyo  
  • Paggagala o paglilibot  
  • Pagdadala ng alinman sa mga sumusunod:  
    • Baril, patalim o iba pang klase ng armas  
    • Alagang hayop 
    • Kumot, unan o folding bed  
    • Appliances at medical equipment na gumagamit ng kuryente  
    • Styrofoam at plastic bags  
    • Mga kagamitang hindi pinahihintulutan sa ilalim ng Mother-Baby Friendly Hospital Initiative (MBFHI) Policy: Bote para sa pagpapadede ng sanggol/gamit para sa pagngingipin ng sanggol/pacifier/formula milk    

MGA NAKA-RESETANG GAMOT PARA SA MGA NAKA-ADMIT NA PASYENTE  

Upang masiguro ang kalidad at bisa at ang kaligtasan ng mga pasyente, ang lahat ng gamot para sa mga naka-admit na pasyente ay kukunin lamang sa botika ng DLSUMC.

PAGKAIN AT TUBIG  

  • Ang mga pagkain ay ihahatid sa pasyente sa mga sumusunod na oras: 
    • Almusal:                 6:00 AM – 7:00 AM 
    • Tanghalian:           11:00 AM – 1:00 PM 
    • Hapunan:               5:30 PM – 7:00 PM  
  • Maaaring kumuha ng inuming tubig sa nurses’ station.  

PAGPAPALIT NG LINEN 

  • Ang pagpapalit ng mga linen (kumot, kobre kama, at punda) ay tuwing umaga.  
  • Ang mga karagdagang request para sa linen ay may katumbas na halagang idadagdag sa inyong hospital bill.  

SEGREGASYON NG BASURA  

  • Mangyari lamang na paghiwalayin ang inyong basura at itapon sa tamang basurahan:  
  1. Nabubulok  
  1. Di-nabubulok  
  1. Nakahahawa  

Nakahiwalay na basurahan para sa:  

  • Diapers  
  • Gloves  
  • Needles/sharps  
  • Barrels  
  • Ampules  
  • Vials  

MGA KARAGDAGANG PAALALA  

  • Huwag iwanan ang inyong mga kagamitan nang walang bantay. Ang DLSUMC Management ay walang pananagutan sa pagkawala ng mga personal na gamit.  
  • Anumang mawawala o masisira sa kwarto o sa mga kagamitan na nadatnan sa loob nito ay may karampatang halaga na madadagdag sa hospital bill ng pasyente.

Ang mga pari, madre at Pastoral Care Volunteers ay nagkakaloob ng pagkalingang emosyonal at espiritwal sa mga pasyente at kanilang kaanak.

  • Mga banal na sakramento
    • Banal na Misa
    • Pagpapahid ng langis sa may sakit (anointing of the sick) (by request)
    • Kumpisal (by request)
    • Binyag (emergency baptism) (by request)
  • Padasal at pagbabasbas(by appointment)
  • Konsultasyon at direksyong ispiritwal (by appointment)
  • Mga debosyon (St. John Paul II Chapel)

  1. Ipagbibigay-alam ng nars sa pasyente kung mayroon nang discharge order galing sa doktor.  

  2A.  Sa mga pasyenteng walang PhilHealth at HMO card, magpatuloy sa Step 3  

 2B. Sa mga pasyenteng may PhilHealth, magpunta sa Claims Section (G/F, MAC) para makuha ang komputasyon ng benepisyo mula sa PhilHealth. Ibigay ang mga sumusunod:  

2B.1 Sa mga pasyenteng sumailalim sa operasyon, kunin ang record ng operasyon sa nakatalagang nars at isumite ito kasama ng iba pang requirements.  

2B.2 Sa mga pasyenteng nanganak (cesarean o normal), kunin ang PhilHealth form (CF3) at Delivery Room Record sa nakatalagang nars.  

  2C.  Sa mga pasyenteng may health card, ibigay ang Letter of Authorization o LOA sa Billing Section (G/F, MAC), kung hindi pa ito naibibigay mula nang ma-admit.    

3. Pumunta sa Billing Section para sa kopya ng kabuuang bayarin. Paunawa: Upang makakuha ng senior citizen discount, ipakita ang senior citizen ID card. Upang makakuha ng PWD discount, ipakita ang PWD ID para sa beripikasyon.   

4. Pumunta sa Hospital Cashier (G/F, MAC) upang magbayad ng kabuuang bayarin. Ibibigay ng kahera ang clearance slip.    

5. Ibigay ang puting clearance slip sa nakatalagang nars.  Kunin sa nars ang Discharge Instruction Form at ang mga niresetang gamot. Magsagot ng Patients’ Feedback Form

6. Ibigay ang pink at ang blue clearance slips sa gwardya bago lumabas ng ospital.  

Contact Us

Governor D. Mangubat Avenue, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines 4114

Telephone: (+632) 8988 - 3100 or (+6346) 481-8000

Email Address : webteam@dlsmhsi.edu.ph