Mga patakaran sa pagbisita
MICU: 4:00 PM-6:00 PM lamang
Paalala: Para sa mga elective cases/naka-schedule na operasyon, kailangang maibigay ang LOA bago magpa-admit.
Magpunta sa Claims Section (Ground Floor, MAC) para sa PhilHealth status at sa listahan ng requirements para sa PhilHealth coverage.
Tanging mga gamot sa PNF/PNDF (Philippine National Drug Formulary) lamang ang sakop ng PhilHealth/HMO base sa Philhealth Circular No. 2006-0386 at DOH Administrative Order No. 2016-0034. Kung sakaling irerekomenda ng iyong doktor ang paggamit ng gamot na hindi kabilang sa PNF/PNDF, maaaring ito ay ipabili sa botika ng DLSUMC.
Makipag-ugnayan sa Billing Section sa pamamagitan ng Viber (0906 349 0282), 8:00 AM-5:00 PM.
ANG MGA SUMUSUNOD AY IPINAGBABAWAL SA LOOB NG OSPITAL:
MGA NAKA-RESETANG GAMOT PARA SA MGA NAKA-ADMIT NA PASYENTE
Upang masiguro ang kalidad at bisa at ang kaligtasan ng mga pasyente, ang lahat ng gamot para sa mga naka-admit na pasyente ay kukunin lamang sa botika ng DLSUMC.
PAGKAIN AT TUBIG
PAGPAPALIT NG LINEN
SEGREGASYON NG BASURA
Nakahiwalay na basurahan para sa:
MGA KARAGDAGANG PAALALA
Ang mga pari, madre at Pastoral Care Volunteers ay nagkakaloob ng pagkalingang emosyonal at espiritwal sa mga pasyente at kanilang kaanak.
2A. Sa mga pasyenteng walang PhilHealth at HMO card, magpatuloy sa Step 3
2B. Sa mga pasyenteng may PhilHealth, magpunta sa Claims Section (G/F, MAC) para makuha ang komputasyon ng benepisyo mula sa PhilHealth. Ibigay ang mga sumusunod:
2B.1 Sa mga pasyenteng sumailalim sa operasyon, kunin ang record ng operasyon sa nakatalagang nars at isumite ito kasama ng iba pang requirements.
2B.2 Sa mga pasyenteng nanganak (cesarean o normal), kunin ang PhilHealth form (CF3) at Delivery Room Record sa nakatalagang nars.
2C. Sa mga pasyenteng may health card, ibigay ang Letter of Authorization o LOA sa Billing Section (G/F, MAC), kung hindi pa ito naibibigay mula nang ma-admit.
3. Pumunta sa Billing Section para sa kopya ng kabuuang bayarin. Paunawa: Upang makakuha ng senior citizen discount, ipakita ang senior citizen ID card. Upang makakuha ng PWD discount, ipakita ang PWD ID para sa beripikasyon.
4. Pumunta sa Hospital Cashier (G/F, MAC) upang magbayad ng kabuuang bayarin. Ibibigay ng kahera ang clearance slip.
5. Ibigay ang puting clearance slip sa nakatalagang nars. Kunin sa nars ang Discharge Instruction Form at ang mga niresetang gamot. Magsagot ng Patients’ Feedback Form.
6. Ibigay ang pink at ang blue clearance slips sa gwardya bago lumabas ng ospital.
Governor D. Mangubat Avenue, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines 4114
Telephone: (+632) 8988 - 3100 or (+6346) 481-8000
Email Address : webteam@dlsmhsi.edu.ph